Learn and Love Filipino. A website for students and learners who wanted to speak and understand Filipino or commonly known as Tagalog for some.

Full width home advertisement

Post Page Advertisement [Top]

Sa nakalipas na dalawang taon, lalo na noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog at malaking usapin ang pag-aalaga sa kalusugang pisikal at kaisipan. Maraming nangailangan ng tulong, karamay, at higit sa lahat, makakapitan sapagkat marami ang nakararanas ng pagsubok sa iba’t ibang aspeto ng kanilang buhay. Kasama na rito ang lubos na pag-iisip kung saan kukuha ng makakainsa araw-araw para sa buong pamilya. Marami ring nawalan ng trabaho dahil sa hindi sapat na kita ng mga kumpanya. Isa rin ito sa naging sanhi ng lubos na pagtaas ang mga kaso ng depresyon (depression) at iba pang karamdaman sa pag-iisip.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, maraming naidudulot ang malusog na pangkaisipan lalo na at pagpapanatili ng pangkabuuang kalusugan ng ating katawan. Ang malusog na pag-iisip ay nagdudulot ng mas malinaw na pananaw sa buhay. Malaki rin ang naitutulong ng magandang kalagayan ng pag-iisip upang maiwasan ang kapahamakan sa maraming pagkakataon.

Kabilang sa kalusugan ng isip ang atingkagalingang emosyonal, sikolohikal, at mental. Nakakaapekto ito sa ating kabuuang kilos at pag-iisip. Malaking tulongrin ito upang matukoy ang ugat ng pagod o tensyon, paraan ng pakikipag-ugnayan, at ang mainam at malusog na mga pagpapasiya. Mahalaga ang kalusugang pangkaisipan sa bawat yugto ng buhay, mula pagkabata hanggang sa pagtanda.

Dapat lamang na mas makita ng mga tao ang tunay na kahalagahan ng kalusugang pangkaisipan. Bakit nga ba ito mahalaga? Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit kailangang tutukan ito.

1. Ang pagkakaroon ng malusog na pag-iisip ay susi upang magkaroon rin ng malakas na pangangatawan.

2. Ang malinaw na kaisipan ay nakatutulong upang hindi magkaroon ng marumi, hindi nararapat, at mapangahas na mga kaisipan.

3. Malaking tulong din ang pag-aalaga sa kalusugang pangkaisipan upang mas maging payapa at makabuluhan ang araw-araw na pamumuhay.

4. Mahalaga ang malawak na pag-unawa sa kalusugang pangkaisipan upang mas maintindihan ng bawat isa ang ugat ng masalimuot na takbo ng kanilang pag-iisip. Sa gayon ay makalikha ng tamang mga hakbang upang matugunan ang kakulangan o pangangailangan.

5. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ang malusog na pag-iisip upang maging mas produktibo at makamit ang mga minimithi sa buhay.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), madalas mapagkamalan ng mga tao na magkapareho ang mahinang pag-iisip at ang sakit sa pag-iisip, ngunit ang dalawang usaping ito ay magkaiba. Ang isang taong may mahinang katatagan ng pag-iisip ay maaring walang iniindang anumang klase ng sakit sa kaisipan. 

Mahalaga rin na ating maunawaan na pwedeng magbago ang lagay ng kaisipan ng isang tao dahil na rin sa iba’t-ibang dahilan. Kapag ang mga pangangailanganng isang tao ay higit sa kanilang mga mapagkukunan at kakayahan sa pagharap, ang kanilang kalusugan sa isip ay maaaring maapektuhan. Halimbawa, kung ang isang tao ay nagtatrabaho ng mahabang oras, nag-aalaga sa isang kamag-anak, o nakakaranas ng kahirapan sa ekonomiya, maaari silang makaranas ng mahinang kalusugan ng isip.

Nararapat lamang na bawat isa sa atin ay huwag ipagpawalang bahala ang ating kalusugang pangkaisipan dahil ito ay susi sa tagumpay at mas maayos na pamumuhay.

Mga Pinagkunan:
CDC. (2018, December 12). Learn About Mental Health - Mental Health - CDC. www.cdc.gov. https://www.cdc.gov/mentalhealth/learn/index.htm#:~:text=Mental%20health%20includes%20our%20emotional

About Mental Health | Mental Health Blog. (n.d.). Mysite. Retrieved October 9, 2022, from https://www.rockingmentalhealth.com/

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Bottom Ad [Post Page]