Filipino Tagalog

Learn and Love Filipino. A website for students and learners who wanted to speak and understand Filipino or commonly known as Tagalog for some.

Kasabihan at Halimbawa Nito

by , at 7/11/2016 06:36:00 AM , has 0 comments

Halimbawa ng Kasabihan

  • Ang batang makulit, napapalo sa puwit.
  • Ang batang matalino, nag-aaral ng husto.
  • Ang batang iyakin, nagiging mutain.
  • Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
  • Dapat lahat tayo ay magpakabuti, sapagkat ang kamatayan ay nakasunod parati.
  • Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat.
  • Ang batang hindi matapat, ay masahol pa sa isang ahas sa gubat.
  • Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
  • Ang nagsasabi ng tapat, ay nagsasama ng matagal.
  • Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.
  • Ang buhay parang gulong, minsan sa ibabaw, minsa sa ilalim
  • Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
  • Magsipag tayo hanggang bata, para puro biyaya sa ating pagtanda.
  • Ang batang malinis ang katawan, ay malayo sa karamdaman.
  • Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.
  • Ang malinis at maayos, malapit sa Diyos.
  • Ang kalinisan ng kapaligiran, ay magandang pagmasdan.
  • Ang masamang ugali ay isusuka ng lipunan.
  • Ang mabuting ugali ay patunay, ang maraming kaibigan
  • Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli.
  • Sundin mo ang sinasabi ko, hindi ang ginagawa ko.
  • Ang batas ay hindi na kailangan, sa mga taong hindi gumagawa ng kasalanan.
  • Kung walang katahimikan, walang pagsulong ang bayan.
  • Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay kapahamakan.
  • Ang mayaman ay lalong yayaman, kung sakim at walang pakialam.
  • Ang taong walang tiyaga, ay walang yamang mapapala.
  • Kung may tiyaga, may nilaga.
  • Kung gusto mong buhay na sagana, laging isaisip ang salitang tiyaga.
  • Ang sipag at tiyaga kapag nagsama-sama, asahan mong bukas ay sagana.
  • Walang lihin na hindi nabubunyag, walang totoo na hindi nahahayag.
  • Ang katotohanan ang magpapalaya sa kasalanan.
  • Ang batang hindi nagsasabi ng katotohanan, walang tayong maaasahan.
  • Kung ang pagsasama ay walang katotohanan, hindi tatagal ang samahan.
  • Ang anak na magalang ay kayamanan ng magulang.
  • Ang tunay na karangalan, ay nag-uumpisa sa paggalang sa magulang.
  • Para igalang ang magulang, anak ay turuan.
  • Ang totoong kaibigan ay hindi ka uutangan.
  • Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan.

Karagdagang resource:

Baloydi Lloydi
About
Kasabihan at Halimbawa Nito - written by Google+, published at 7/11/2016 06:36:00 AM, categorized as kasabihan . And has 0 comments
0 comments Add a comment
Bck
Cancel Reply
Copyright ©2013 Filipino Tagalog by , RSS, XML