Sa tradisyonal na pagpapakahulugan, ang pang-abay ay nagbibigay-buhay sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Sa istraktyunal na pagbibigay ng katuturan, ang pang-abay ay makikita dahil kasama ito ng pandiwa, pang-uri, o isapang pang-abay na bumubuo sa parirala. Ang pang-abay ay may iba’t ibang uri. Ilan ang sumusunod:
- Kataga o Ingklitik – ito ang tawag sa katagang karaniwang sumusunod sa unang salita ng pangungusap. May labinganim na kilanang pang-abay na inklitik. Ito ay ang mga sumusunod:
Man, kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy, lamang/lang, din/rin, ba, pa, muna, pala, na, naman, daw/raw
- Pamanahon – ito ay sumasagot sa tanong na kalian ginanap, ginaganap, o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap.
- Panlunan – ito ay tinatawag na paririlang sa. Kumakatawan ito sa lugar kung saan ginagawa ang kilos.
- Pamaraan – ito ay sumasagot sa tanong na paano ginanap, ginaganap, o gaganapin ang sinsabi ng pandiwa sa pangungusap
- Pang-agam – ito ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng pag-aanlinlangan o walang katiyakan tulad ng tila, marahil, baka.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento