Ang pagsasalaysay ay pagpapahayag na may layuning magkuwnto ng mga pangyayari. May dalawang uri ng pagsasalysay: pasalita at pasulat. Ang karanasan at nakikita sa kapaligiran ay maaring pagmulan ng pagsasalaysay ng isang tao.
Isa sa mahalagang katangiang dapaat taglayin ng isang magandang salaysay ay ang pagkakaroon ng magandang pamagat. Ito ang unang bagay na nakapupukaw sa interes ng mga mambabasa. May mga katangian dapat taglayin ang isang kaakit-akit at mabuting pamagat. Ito ay ang mga sumusunod:
a. Pangunahing tauhan sa salaysay
b. Pinakamahalagang bagay sa salaysay
c. Pook na may malaking kinalaman sa mga pangyayari
d. Isipan o damdaming namamayani sa salaysay
e. Isang mahalagang pangyayari sa kuwento
f. Katotohanang pinatunayan sa kuwento.
Thanks For Information's Keep it Coming!
TumugonBurahin