Learn and Love Filipino. A website for students and learners who wanted to speak and understand Filipino or commonly known as Tagalog for some.

Full width home advertisement

Post Page Advertisement [Top]


Sa tradisyonal na pagpapakahulugan, ang pang-abay ay  nagbibigay-buhay sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Sa istraktyunal na pagbibigay ng katuturan, ang pang-abay ay makikita dahil kasama ito ng pandiwa, pang-uri, o isapang pang-abay na bumubuo sa parirala. Ang pang-abay ay may iba’t ibang uri.  Ilan ang sumusunod:

  •          Kataga o Ingklitik – ito ang tawag sa katagang karaniwang sumusunod sa unang salita ng pangungusap. May labinganim na kilanang pang-abay na inklitik. Ito ay ang mga sumusunod:

Man, kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy, lamang/lang, din/rin, ba, pa, muna, pala, na, naman, daw/raw

  •         Pamanahon – ito ay sumasagot sa tanong na kalian ginanap, ginaganap, o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap.
  •          Panlunan – ito ay tinatawag na paririlang sa. Kumakatawan ito sa lugar kung saan ginagawa ang kilos.
  •          Pamaraan – ito ay sumasagot sa tanong na paano ginanap, ginaganap, o gaganapin ang sinsabi ng pandiwa sa pangungusap
  •         Pang-agam – ito ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng pag-aanlinlangan o walang katiyakan tulad ng tila, marahil, baka.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Bottom Ad [Post Page]