Ang pabula (fable) ay isang maiksing kuwentong kathang-isip na kinatha
nuong unang panahon.
Eto ay ginagampanan ng mga hayop na nagsasalita
at kumikilos na tulad ng tao. Ang pabula ay tumatalakay sa mga kilos at
pag-uugali na nangangailangang ituwid o baguhin dahil sa pagiging hindi
mabuti o makatarungan.
Itinuturo sa atin ng pabula ang tama, patas, makatarungan, at makataong
ugali at pakikitungo sa ating kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil
sa mga magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento