Alamat – nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari o katawagan. Maaaring totoo o likha lamang ng malawak na imahenasyon ng isang manunulat ang mga pangyayari sa alamat.
Ang mga na makasaysayan na nagpapagunita ng mga lumipas na panahon ang kadalasang nagiging pinakadiwa ng isang alamat.
Maaaring mula sa malungkot na alaala o sa mga pangyayaring nagpapakilala ng kagitingan at kabayanihan ng ating mga ninuno at iba pang makasaysayang pangyayari ang paksa ng alamat.
Layunin ng isang alamat ang sariwain ang mga pangyayaring makasaysayan upang mapukaw ang damdamin ng mga mambabasa at makapagpagunita ng mga bagay na may kinalaman sa nakaraang panahon.
Kung totoo man ang mga pangyayari sa isang alamat, wala naman itong sapat patunay. Bagamat ang alamat ay kathang-isip lamang, ito naman ay nag-aangkin ng kaisipang masagimsim at kariktang walang kupas.
May natutulungan kau sa ass. Ng mga ank ko
TumugonBurahin