Learn and Love Filipino. A website for students and learners who wanted to speak and understand Filipino or commonly known as Tagalog for some.

Full width home advertisement

Post Page Advertisement [Top]

Ang bahagi ng pangungusap na may salungguhit ay tinatawag na panaguri.
Ang panaguri ang nagsasabi tungkol sa simuno.

Dahil sa Masamang Barkada
 
Dating mabait at masunuring bata si Obet. Ngunit napasama siya sa masamang barkada. Unti-unting nagbago ang ugali niya. Naging barumbado at magalitin siya.
Natutuhan ni Obet ang masasamang bisyo. Natutu siyang magsigarilyo, maglasing at magsugal. Natutunan rin niyang humitit ng marijuana at gumamit ng shabu.
Nakiusap ang ina ni Obet. “Anak, kung mahal mo ako at ang bayan hindi ka lalabag sa batas.” Ngunit parang walang narinig si Obet.
Isang araw, nabigla ang kaniyang ina sa isang masamang balita. Nakakulong si Obet dahil sa pagnanakaw. Ninakawan niya ang isang tindahan upang masunod ang masasamang bisyo. Ngunit nahuli siya ng pulis habang nagnanakaw. Iyon ang napala niya sa pagsama sa masamang barkada.

1. Bakit unti-unting nagbago ang ugali ni Obet?
2. Anu-ano ang natutuhan ni Obet?
3. Ano ang ibig sabihin kapag ang tao ay lumabag sa batas?
4. Bakit natutong magnakaw si Obet?
5. Ano ang naging parusa ni Obet sa paglabag niya sa batas?
6. Anong magandang aral ang natutuhan mo sa kuwento?
7. Sa papaanong paraan mo maipapakita ang pagiging masunurin sa iyong magulang? Magbigay ng limang halimbawa.

Muling Basahin ang kuwento.
 
Sino ang dating mabait at masunuring bata?
Sino ang nakiusap kay Obet?
Sino ang dumakip kay Obet habang nagnanakaw?

Ganito ba ang sagot mo?
Ang dating mabait na bata ay si Obet.
Nakiusap ang kaniyang ina upang huwag siyang lumabag sa batas.
Pulis ang humuli kay Obet

Si Obet, ang kaniyang ina at pulis ang pinag-uusapan sa pangungusap.
Simuno ang tawag dito.


Pag-aralan mo ang mga sumusunod na pangungusap.
Bigyang-pansin ang may salungguhit.
Si Obet ay dating mabait at masunuring bata.
Ang kaniyang ina ay nakiusap kay Obet.
Ang mga pulis ang dumakip kay Obet habang nagnanakaw.

Gumawa ng dalawang hanay at isulat sa tamang hanay ang bahagi ng pangungusap. Isulat sa ilalaim ng bawat hanay ang simuno at panaguri.

1. Unti-unting nagbago ang ugali niya
2. Natuto siyang magsigarilyo
3. Nakiusap ang ina ni Obet
4. Nadakip ng dalawang pulis si Obet

Ganito ba ang sagot mo?
 

Pag-aralan mo ang mga salita sa talahanayan ng bawat pangkat. Nakatala sa unang hanay ang buong simuno ng pangungusap. Nakatala sa ikalawang hanay ang buong panaguri ng pangungusap.

Basahin mo naman ang mga pangungusap sa ibaba.
Piliin mo ang payak na simuno at payak na panaguri sa bawat bilang
1. Dumalo sa pulong ang mga tao.
2. Sila ay nakinig sa manggagamot.
3. Naghihintay ng matagal ang mga bata.
4. Nag-ambag din kayo.
5. Ipamamahagi na ang bigas sa sako.
 
panaguri
Suriin mo ang mga payak na simuno.
Anong bahagi ng pananalita ito?
Ito ay pangngalan o panghalip, hindi ba?
Pag-aralan mo naman ang mga payak na panaguri.
Anong bahagi nang pananalita ito?
Ang payak na simuno ay maaaring pangngalan tulad ng bata, bigas, bulaklak o panghalip tulad ng kayo, sila at iba pa.
Pansinin mo naman ang panaguri.
Ang payak na panaguri ay maaaring pandiwa.


Narito pa ang ibang halimbawa ng pangungusap.
Suriin mo ang mga ito.
Piliin ang payak na simuno at payak na panaguri.


1. Nagbabasa sa aklatan ang mga bata.
2. Sila ay tahimik na nagbubukas ng aklat.
3. Gumuguhit ng mga tagpo sa pabula si Lita.
4. Natatawa naman kami sa mga kuwentong komedi.
5. Nalilibang sa kasaysayan sina Ana at Fe.


Ganito ba ang sagot mo?
panaguri
Basahin ang mga payak na simuno
Anong bahagi ng pananalita ito?
Ito ay pangngalan o panghalip, hindi ba?


Basahin ang mga payak na panaguri.
Anong bahagi ng pananalita ito?
Ito ay pandiwa, hindi ba?
Ito naman ang iyong pag-aralan.
Basahin ang mga pangungusap.


1. Si Nena ay maganda.
2. Ang aso ay mabagsik.
3. Mabango ang bulaklak.
4. Ang anak niya ay matangkad.
5. Matinik ang rosas.


Suriin mo ito.

Ano ang simuno? panaguri?


panaguri

Anong bahagi ng pananalita ang panaguri, pang-uri, hindi ba?
Ang mga pang-uri ay maaari ring panaguri.
Narito ang iba pang halimbawa na ginagamit ang pang-uri bilang panaguri.
1. Ang daan ay mabato.
2. Ang bata ay masipag.
3. Magalas ang sahig
Pag-aralan mo ang mga sumusunod.
1. Ang mga bata ay nasa labas ng bahay.
2. Nasa labas ng bahay ang mga bata.
3. Ang mga Pilipino ay bantog sa pakikipagsapalaran.
4. Bantog sa pakikipagsapalaran ang mga Pilipino.


  • Ang una at ikatlong bilang ay mga pangungusap na nasa di karaniwang ayos.
  • Ang ikalawa at ikaapat na bilang ay mga pangungusap na nasa karaniwang ayos.
  • Pansinin na ang mga pangungusap na nasa di karaniwang ayos ay may salitang ay .
  • Pansinin na ang mga pangungusap na nsa karaniwang ayos ay walang mga salitang ay 
Basahin ang mga sumusunod at lagyan ng karaniwan o Di-karaniwan ang patlang sa tabi ng bawat bilang ng pangungusap. Gawin sa sagutang papel.

__________ 1. Pumasok nang maaga si Leny.
__________ 2. Iniwasan niya ang mga kaklase.
__________ 3. Sila ay namasyal sa dalampasigan.
__________ 4. Ang aklat ay pag-aari ng titser.
__________ 5. Ayaw ng guro sa magugulong mga mag-aaral
__________ 6. Ang mga balita ay sinipi nila sa pahayagan.
__________ 7. Nagsipagsayaw sila sa kalsada noong pestibal.
__________ 8. Si Marie ay nakapasa sa iksamen ng pagiging nars.
__________ 9. Nawili sila sa panonood ng programa.
__________10. Ang palamuti ng bulwagan ay inaayos ng mga mag-aaral. 
 


Ang simuno ay bahagi ng pangungusap na nagsasabi kung ano o sino ang pinag-uusapan.
Ang panaguri ay nagsasabi tungkol sa simuno.


Ang pinakamahalaga o pangunahing salita sa buong simuno o paksa ay payak na simuno. Ito ay maaaring pangngalan o panghalip.


Ang pinakamahalaga o pangunahing salita sa buong panaguri ay ang payak na panaguri. Ito ay maaaring pandiwa,pang-uri o pang-abay.


May tiyak na posisyon ang simuno at panaguri sa karaniwan at di karaniwang ayos ng pangungusap.

12 komento:

  1. Nice naman po nakakatulong po ito sa mga mag aaral

    TumugonBurahin
  2. Thanks mr. Lloydi

    TumugonBurahin
  3. salamat!!! Mr.Lloydi. dahil dito mas madali na naming malalaman ang pinagkaiba ng ng mga pangungusap.......

    TumugonBurahin
  4. Thanks mas lalaong ko po to naindindin han thanks for
    your hospitality

    TumugonBurahin
  5. Thanks po sainyo Mr. Lloyd napakalaking tulong po sa research ng anak ko :)

    TumugonBurahin
  6. Salamat po Mr.Lloydi. This is very helpful. May tanong lang po ako. Sa pangungusap na "Kinain nila ito sa park.". Alin ang simuno? Sa class po kasi ay hati ang sagot, ang iba ay "ito", ang iba ay "nila". Sabi ng teacher, "nila" daw ang tamang sagot. Ano po ba ang tamang sagot? Salamat po.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. "nila" po ang simuno at ang "park" ay ang kaganapng pansimuno

      Burahin
  7. Maraming salamat at may isa pang katulad mo na tumutulong mabigyan ng importansya ang ating pambansang wika.

    TumugonBurahin
  8. Salamat po s Mr. Lloydi....may tnong lng po ako...bakit po b kraniwan s pilipino n nauuna Ang panag-uri s simuna?

    TumugonBurahin
  9. Wow ! Po Keep up the good work ...
    Malaki po ang maitutulung nio sa lipunan lalo na sa pantikang Pilipino .. :)

    TumugonBurahin
  10. My book has alot of pwges and i cannot find th lesson my note book has nothing written on it and when i saw this i feel happy thank you

    TumugonBurahin
  11. Hi Sir.

    Maganda po tong nagawa niyong website. gusto ko po sana na ilagay ito sa isang online supplement course na ginagawa ko. maari ko ba malaman ang email niyo para maipadala ko ang pormal na kasulatan tungkol sa aking sinasabi. Maraming Salamat!

    TumugonBurahin

Bottom Ad [Post Page]