Mga sagot sa Pagtukoy ng aspekto ng pandiwa
Panuto: Tukuyin ang aspekto ng pandiwa na may salungguhit. Isulat sa patlang ang titik
A, B, o C kung saan:
Panuto: Tukuyin ang aspekto ng pandiwa na may salungguhit. Isulat sa patlang ang titik
A, B, o C kung saan:
- A = Aspektong Pangnagdaan/Naganap/Perpektibo;
- B = Aspektong Pangkasalukuyan/Nagaganap/Imperpektibo; at
- C = Aspektong Panghinaharap/Magaganap/Kontemplatibo.
- B 1. Ang mga magsasaka ay nagtatanim ng palay.
- A 2. Hiniram ni Emily ang aklat ko.
- C 3. Maglalaro kami ng chess mamayang hapon.
- C 4. Iinom ako ng gamot para gumaling ako.
- A 5. Si Ate Minda ang naglinis ng kusina.
- B 6. Hinahatid kami ni Kuya Ronnie sa paaralan tuwing may pasok.
- B 7. Ang mga bata ay nanonood ng Ben 10 sa telebisyon.
- A 8. Sino ang sumagot ng telepono?
- A 9. May naisip ka na bang plano?
- B 10. Tahimik na nagbabasa ang mga mag-aaral.
- A 11. Sinulat ko sa papel ang mga dapat mong gawin.
- A 12. Si Tita Bea ang gumawa ng keyk na ito.
- C 13. Kakain pa ba kayo ng keyk?
- B 14. Si Helen ang nag-aalaga sa pusang iyan.
- C 15. Marami kaming lumang gamit na ibebenta sa garage sale.
- C 16. Gagamit ako ang diksiyonaryo para malaman ko ang kahulugan ng salitang iyon.
- A 17. Umiiyak ang bata dahil nadapa siya.
- A 18. Napansin mo ba ang takdang-aralin na nakasulat sa pisara?
- B 19. Umupo ka muna dahil nagbibihis pa si Eva.
- C 20. Yayakapin ko nang mahigpit si Nanay pag-uwi ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento