Ang anekdota ay isang maikling salaysay ng isang tanging pangyayari na lubhang kawili-wili. Ang anekdota’y isinasalaysay upang makalugod o magbigay-kawilihan. Ang tauhan nito ay karaniwan tanyag o kilala. Karaniwang may aral na napupulot sa uring ito ng salaysay. Sa pagsulat ng anekdota ay dapat na isaalang-alang ang mga sumusunod:
1. Dapat maging makatotohanan ang paksa - ang paksa ay batay sa tunay dapat karanasan.
2. Dapat maging tunay na karanasan.
3. Dapat ay may isang pksa lamang.
4. Sa pagwawakas ng anekdota, dapat isaalang-alang ang kakintalang maiiwan ng mga mambabasa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento