Learn and Love Filipino. A website for students and learners who wanted to speak and understand Filipino or commonly known as Tagalog for some.

Full width home advertisement

Post Page Advertisement [Top]

Sa wikang Filipino ay may iba’t ibang pagbabagong morpoponemiko. Isa na rito ay ang pag-aasimila ng mga salita.

1.       Ang asimilasyon ay tumutukoy sa pagbabagong anyo ng morpema dahil sa impluwensya ng mga katabing tunog nito. Kinabibilangan ito ng mga panlaping nagtatapos sa –ng katulad ng sing- na maaaring maging sin- o sim. Gayundin ang pang- na maaaring maging pan- o pam- dahil sa impuwensya ng kasunod na katinig. Ang mga salitang inuunlapian ng sin- at pan- ay mga salitang nagsisimula sa /d, l,r, s, t/.
Halimbawa:
Sing + tanyag > sin + tanyag > sintanyag
Pang + lasa > pan + lasa > panlasa

Ang mga salitang inuunlapian ng sim- at pam- aymga salitang nagsisimula sa /b, p/.
Halimbawa:
Sing +bango + > sim + bango > simbango
Pang + bansa > pam + bansa > pambansa                                                     

Ang mga salitang inuunlapian ng sing- at pang- o yung mga walang pagbabagong nagaganap ay mga salitang nagsisimula sa pantig /a, e, l, o, u/ at katinig na /k, g, h, m, n, w, y/.
Halimbawa:
Sing + galing > sing + galing > singgaling
Sing + mahal > sing + mahal > singmahal
Pang + kalendaryo > pang + kalendaryo > pangkalendaryo
Pang + katalogo > pang + katalogo > pangkatalogo

7 komento:

  1. ok, but not so describe or explained well

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi! Please help contribute on the content, you can put your own discussion on this. tnx

      Burahin
    2. It help a little i did not understand a little too

      Burahin
  2. I understand it well. Thank you for posting this. :)

    TumugonBurahin
  3. May mga di-ganap at ganap din po ba sa asimilasyon??

    TumugonBurahin

Bottom Ad [Post Page]