Learn and Love Filipino. A website for students and learners who wanted to speak and understand Filipino or commonly known as Tagalog for some.

Full width home advertisement

Post Page Advertisement [Top]


                Ang talambuhay ay isang anyo ng  panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari, o impormasyon.

Dalawang Uri ng Talambuhay

1)      Talambuhay na Pang-iba – isang paglalahad ng mga kaganapan sa buhay ng isang tao na sinulat ng ibang tao.
2)      Talambuhay na Pansarili – isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo ang may-akda

                Mayroon ding tinatawag na talambuhay na karaniwan at talambuhay na di-karaniwan o palahad:

Talambuhay na Karaniwan – isang paglalahad tungkol buhay ng isang tao mula pagsilang hanggang sa kanyang pagkamatay. Kasama dito ang mga detalye tulad ng kanyang mga magulang, mga kapatid, kapanganakan, pag-aaral, karangalang natamo, mga nagging tungkulin, mga nagawa, iba pang mahalagang bagay tungkol sa kanya.

Talambuhay na Di-karaniwan o Palahad – hindi gaanong binibigayn ng diin ditto ang mahahalagang detalye tungkol sa buhay ng tao maliban kung ito’y may kaugnayan sa simulain ng paksa. Sa halip ay binibigyang-pansin ditto ang mga layunin, adhikain, simulain, paninindigan ng isang tao, at kung paano naauganay ang mga ito sa kanyang tagumpay o kabiguan.



1 komento:

Bottom Ad [Post Page]