Learn and Love Filipino. A website for students and learners who wanted to speak and understand Filipino or commonly known as Tagalog for some.

Full width home advertisement

Post Page Advertisement [Top]

Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipakikita ito sa pamamagitan ng taglay ng panlapi ng pandiwa.



Ang pandiwa ay may iba’t ibang pokus ayon sa kung ano ang kaganapan ng pandiwa sa posisyong pampaksa o pansimuno ng pangungusap.



1. Tagaganap o Aktor – ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaaad sa paksa.

2. Layon o Gol – ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon ay ang paksa o ang binibigayang-diin sa pangungusap.

3. Ganapan o Lokatibo – ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng kilos.

4. Tagatanggap o Benepektib – ito naman ay tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos na isinasaad ng pandiwa.

5. Gamit o Instrumental – ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos o pandiwa na siyang paksa ng pangungusap.

6. Sanhi o Kusatib – ang pandiwa ay nakapokus sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos.

7. Direksyunal – pinatutuunan ng pandiwa ang direksyon o tinutongo ng kilos.

5 komento:

Bottom Ad [Post Page]