Learn and Love Filipino. A website for students and learners who wanted to speak and understand Filipino or commonly known as Tagalog for some.

Full width home advertisement

Post Page Advertisement [Top]

Ang liham ay isang mabisang paraan ng pakikipagtalastasan. Naipaaabot natin sa kapwa ang mga bagay na naiisip, nais ipahayag, o nadarama kahit hindi natin makausap nang harapan ng taong ito. Nagagawa rin niyang tumugon sa pamamagitan din ng pagsagot sa liham na kanyang natanggap. Napapmnatili ang kumunikasyon at napatibay ng liham ang relasyon ng dalawang taong nagssusulatan.


                Mga bahagi ng Liham:
1.       Pamuhatan – bahaging nagsasaad ng petsa kung kalian sinulat ang liham gayundin ang tirahan ng manunulat
2.       Bating Panimula – nagsasaad kung kanino nakalaan ang liham
3.       Katawan ng Liham – pinakamahalagang bahagi ng liham. Dito nakasaad ang nilalaman o nais ipaabot ng manunulat
4.       Bating Pangwakas – isang magalang na pahayag bago isulaat ng manunulat ang kanyang pangalan. Dito rin makikita ang relasyon ng sumulat sa kanyang sinusulatan
5.       Lagda – nakasaad ditto aang ngalan ng nagsulat



Ang tula ay isang uri ng akdang pampanitikan hinango sa guniguni na ipinaparating sa damdamin at ipinpahayag sa pananalitang nag-aangkin ng  aliw-iw at karaniwang may sukat at tugma.

Ang tula ay nahahati sa taludturan. Ang bawat taludturan ay binubuo ng taludtod o linya.

Ang tugma ay ang pagkakatulad ng tunog ng mga salita sa huling pantig ng makakasunod na taludtod. Ang pag-angkin ng magandang tugma ay isang katangian ng tula na nagbibigay-ganda.

May dalawang uri ng tugma. Ito ay ang tugmang ganap at tugmang di-ganap.

Ang tugmang ganap ay natatapos sa taludtod na may nagkakatulad na titik at tunog. Samatalang ang tugmang di-ganap ay taludtud na nagtatapos sa magkaibang titik ngunit magkatulad ng tunog.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Bottom Ad [Post Page]