Ang textong narativ ay nagsasaad ng isang pagsasalaysay. Maaaring ilahad sa ganitong uri ng texto ang mga personal na karanasan ng manunulat gayundin ang isang natatanging tao o pangyayari sa nakalipas.
Narito ang katangian ng textong narativ:
1. Ang textong narativ ay isang inpormal na pagsasalaysay. Para ka lang nagkuwento ng isang bagay o isang pangyayari sa isang kaibigan
2. Magaan itong basahin. Maaaring magtaglay ng anekdotang naglalarawan ng mga tauhan, eksena, at mga detalye ng mga pangyayari
3. Nagtataglay ito ng panimula na nagsasaad kung anong uri ito ng textong narativ at ng isang matibay na kongklusyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento