Ang Pandiwa ay ang salitang nagpapahiwatig ng kilos, gawa o kalagayan. Ito ay tinatawag na Verb sa wikang Ingles.
Mga Uri ng Pandiwa ayon sa Kaukulan
Payak
Ito ay ipinalalagay na ang simuno.
Halimbawa:
Lubos na malasin, mahirapan, at masaktan ang nambababoy ng wiking ito.
Katawanin
Ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap.
Halimbawa:
Ang masipag at determinado ay nagtatagumpay.
Palipat
Ito ay may simuno at tuwirang layon.
Halimbawa:
Naglinis ng silid si Aonica.
Mga Aspekto ng Pandiwa
Pangnagdaan/Naganap na o Perpektibo
Ito ay nagsasaad ng kilos o gawang natupad na.
Halimbawa:
Nagluto ng corned beef sa kusina si Michelle.
Pangkasalukuyan/Imperpektibo
Ito ay ang pagkilos na nasimulan na pero hindi pa tapos.
Halimbawa:
Natutunaw ang yelo sa baso.
Panghinaharap/Gaganapin o kontemplatibo
Ito ay ang kilos ay mangyayari pa lamang.
Halimbawa:
Kakain si Gerald sa carinderia.
Tahasan
Ito ay ginaganap ng simuno ang isinasaad na pandiwa.
Halimbawa:
Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan noong 1892.
Balintiyak
Ito ay hindi ang simuno ang gumaganap sa isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
Ang pagtatatag ng katipunan ay pinasimulan ni Andres Bonifacio.
Kailanan ng Pandiwa
Isahan
Ito ay kapag ang pandiwa ay nasa payak na anyo.
Halimbawa:
Ang aso ay nagbabantay ng bahay tuwing gabi.
Maramihan
Ito ay marami ang simuno at kilos na isinasaad.
Halimbawa:
Ang mga aso ay nagsisipagbantay ng bahay tuwing hatinggabi.
Mga Panlaping Makadiwa
Panlaping Banghayin
Ito ay ang panlaping nagbabanghay sa sarili samantalang hindi nagbabago ang salitang-ugat.
isa, maki, magka, maging, magsa, suma
Nyutral
Naganap
Nagaganap
Magaganap
magbigay
nagbigay
nagbibigay
magbibigay
magsagawa
nagsagawa
nagsasagawa
magsasagawa
Pagbabanghay ng mga Pandiwa
Pandiwa sa Ma
Ito ay nagsasaad ng kasadyaan o ikaaari.
mauna
nauna
nauuna
mauuna
Pandiwa sa Ipa
Ito ay nagsasaad ng utos o mungkahi.
ipaabot
ipinaabot
ipinapaabot
ipaaabot
Pandiwa sa Ipag
Ito ay nagbibigay ng utos o pakiusap.
ipagbili
ipinagbili
ipinagbibili
ipagbibili
Pandiwa sa Mag
Ito nagbibigay diwa sa pagganap.
magsabi
nagsabi
nagsasabi
magsasabi
Pandiwa sa Maki
Ito ay nagsasaad ng pakikisama sa gawa.
makibagay
nakibagay
nakikibagay
makikibagay
Panlaping Mapa
Ito ay nagbabadya ng maaaring maganap.
mapabuti
napabuti
napapabuti
mapapabuti
Panlaping Magka
Ito ay ginagamit para sa di-kusang pagkilos.
magkasundo
nagkasundo
nagkakasundo
magkakasundo
Panlaping Magsi
Ito ay para sa sabay-sabay na pagkilos.
magsikain
nagsikain
nagsisikain
magsisikain
Panlaping Maka
Ito ay nagsasaad ng kasadyaang pagkilos.
makatakas
nakatakas
nakakatakas
makakatakas
Panlaping Magsa
Ito ay nagsasaad ng magkatulad na pagkilos.
magsadula
nagsadula
nagsasadula
magsasadula
Mga Uri ng Pandiwang Di-Karaniwan
Maykaltas
Ito ay kapag may titik o pantig na kulang sa salita.
Kunin (kuhanin), damhin (damahin), bathin (bati-hin)
Maylipat
Ito ay may titik na nag-iiba ng lunan sa loob ng salita.
Tupdin (tuparin), tamnan (taniman) , sidlan (siliran)
Maypalit
Ito ay kapag mayroong isa o dalawang titik na napalitan ng iba.
Hagkan (halikan), datnan (datingan), tawanan (tawahan)
Metatesis
(pagkakaltas + paglipat) hal. mangtahi = mananahi
mambato = mamato
Pagkakaisa ng Simuno at Pandiwa
Ang simunong nasa kailanang isahan ay nangangailangan ng pandiwang isahan din.
Halimbawa:
Si Tonio ay naglalakbay sa kahabaan ng Edsa.
Ang simunong nasa kailanang maramihan ay humihingi ng pandiwang maramihan din.
Halimbawa:
Si Tonio at Juan ay nagsipagtapos sa kolehiyo.
Pokus ng Pandiwa
Ito ay ang relasyon ng pandiwa sa simuno.
Aktor-pokus-nagtuturo na ang tagaganap o aktor ang siyang simuno ng pangungusap. ang mga panlaping ito ay nasa aktor-pokus- um-, mag-, ma-, mang-, maka-, makapag-, maki-, at magpa-.
Halimbawa:
Nagsayaw ng limbo rock ang mga kalahok sa paligsahan sa programang Eat Bulaga.
Layon
Ang paksa ng pangungusap ay ang layon.
Halimbawa:
Ang aklat ay inilipat niya sa mesa.
Ganapan
Ang lugar o pook ang ganapan ng kilos.
Halimbawa:
Ang bakanteng lote ay tinataniman nila ng gulay.
Tagatanggap
Ang simuno ang pinaglalaanan ng kilos.
Halimbawa:
Ipagsasalok mo ng suka ang bisita para inumin nila..
Gamit
Ang kasangkapan o bagay na ginagamit ang gagawa ng kilos.
Halimbawa:
Ang abaka ay ipantatali niya sa duyan.
Sanhi
Ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi.
Halimbawa:
Ikinagagalak niya ang pagtanggap sa kanyang pag-ibig.
Direksyon
Ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Ang Chocolate Hills ay pinuntahan nila.
Kaganapan ng Pandiwa
Ito ay ang relasyon ng pandiwa sa panag-uri.
Kaganapang Tagaganap
Ito ay ang bahagi ng panaguri ang gumaganap ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Ang unang anibersaryo ng kanilang kasal ay ipinagdiwang ng mag-asawang Leny at Ariel.
Kaganapan sa Layon
Ito ay kung ano ang bagay na tinutukoy ng pandiwa.
Halimbawa:
Sumasayaw ng tinikling ang mga taga nayon.
Kaganapang Tagatanggap
Ito ay kung sino ang nakikinabang sa kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Nagluto si Nida ng Spaghetti para sa kanyang mga anak.
Kaganapang Ganapan
Ito ay nagsasaad ng lugar na ginaganapan ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Nag-aararo sa bukid ang ama ni Ryna Angelica
Kaganapang Kagamitan
Ito ay kung anong bagay o instrumento ang ginagamit upang magawa ang kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Ang lamesa ay pinunasan ni Jonathan ng basahang tuyo .
Kaganapang Direksyon
Ito ay nagsasaad ng direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa,
Halimbawa:
Ang mga panauhin naming balikbayan ay ipinasyal namin sa Luneta .
Mga Gamit ng Pangngalang Pandiwa
Ang pangngalang-pandiwa ay binubuo ng panlaping pag- at salitang ugat.
pag + sukat = pagsukat
pag + tulong = pagtulong
Bilang Simuno ng Pangungusap
Halimbawa:
Ang pagtulong sa kapwa ay pinagpapala.
Tuwirang Layon sa Pandiwa
Halimbawa:
Si keith dexter ay mahilig sa paglalaro ng volleyball.
Bilang Kaganapang Pansimuno
Halimbawa:
Ang susi sa tagumpay ay pagtitiis.
Bilang Di-tuwirang Layon
Halimbawa:
Si Andrew ay magtatayo ng paaralan ukol sa pagtuturo ng Ingles.
PANLAPI
Ang mga panlaping pandiwa ay ginagamit sa pagbanghay ng pandiwa kung kaya't minabuti na pag-aralan ang pagbanghay sa Asi. Sa makabagong balarilang Pilipino, may apat na aspekto ang pandiwa (nagsasaad kung naganap na o hindi pa ang sinasaad ng salita) maliban sa pawatas nitong anyo - pangnakaraan, pangkatatapos lang, pangkasalukuyan at panghihinaharap.
1. Mag
Pawatas : magtanim - tanom, magtanom
Pangkatatapos lang : katatanim - katatanom, pagtanom
Pangnakaraan : nagtanim - nagtanom
Pangkasalukuyan : nagtatanim - nagtatanom
Panghinaharap : magtatanim - matanom
2. Um
umakyat - tawog, magtawog
kaakyat - katatawog, pagtawog
umakyat - nagtawog
umaakyat - nagtatawog
aakyat - matawog
10. Ma
makain - makaon
nakain - nakaon
nakakain - nakakaon
makakain – makakaon
19. Mang, Man, Mam
mambutas - magpambuho: gipambuho
kakapambutas - kakapambuho, pagpambuho
nambutas - nagpambuho: gipambuho
nambubutas - nagpapambuho: gipapambuho
nambubutas - napambuho
mambubutas - mapambuho: magpambuho
20. ugat+an, ugat+han
gupitan - tupihe: gitupihe
ginupitan - gingtupihan, ingtupihan: gitupihe
ginugupitan - gingtutupihan, ingtutupihan: gitutupihe
ginugupitan - inatupihan
gugupitan - atupihan: gitupihan
puntahan - pagtoe: gipagtoe
pinuntahan - gingpagtoan, ingpagtoan: gipagtoe
pinupuntahan - gingpapagtoan, ingpapagtoan: gipapagtoe
pinupuntahan - inapagtoan
pupuntahan - apagtoan: gipagtoan
21. I (gawin sa isang bagay)
ibilad - buyara, buyaran: gibuyara
kabibilad - kabubuyar, pagbuyar
ibinilad - gingbuyar, ingbuyar : gibuyara
ibinibilad - gingbubuyar, ingbubuyar: gibubuyara
ibinibilad - inabuyar
ibibilad - ibuyar, abuyaron: gibuyaron
22. I (gamitin na)
isagot - sabatan: gisabatan
isinagot - gingsabat, ingsabat: gisabatan
isinisagot - gingsasabat, ingsasabat: gisasabatan
isinisagot - inasabat
isasagot - isabat: gisabatan
23. ugat+in, ugat+hin
punitin - gisia: gigisia
kapupunit - kagigisi, paggisi
pinunit - ginggisi, inggisi: gigisia
pinupunit - ginggigisi, inggigisi: gigigisia
pinupunit - inagisi
pupunitin - agision: gigision
24. Ipa
ipasabay - parunganan: giparunganan
kakapasabay - kakaparungan, pagparungan
ipinasabay - gingparungan, ingparungan: giparunganan
ipinapasabay - gingpapaunganan, ingpaparunganan: gipaparunganan
ipinapasabay - inaparungan
ipapasabay ̢ۢ iparunganan: giparunganan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento