Ang pang-abay ay may iba pang uri. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Kundisyonal – nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos na isinasaaad ng pandiwa. Ang mga pang-abay na ito ay may mga sugnay o parirala na pinangungunahan ng kung, kapag, o pag at pagka.
2. Panang-ayon – ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ang ilan sa ganitong pang-abay ay oo, opo, tunay, talaga, at iba pa.
3. Pananggi – ang mga pang-abay na ito ay nagsasaaad ng pagtanggi, tulad ng hindi o di at ayaw.
4. Panggaano – yaong mga pang-abay na nagsasaad ng sukat o timbang
5. Kusatibo – ito naman ang tawag sa pang-abay na nagsasaa ng dahilan ng pagganap sa kilos ng pandiwa. Binubuo ito ng parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa.
6. Benepiktibo – ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagkakaganap sa kilos ng pandiwa o ng layunin ng kilos ng pandiwa. Ito ay karaniwang binubuo ng parirala na pinangungunahan ng para sa.
i love tertle
TumugonBurahin