Learn and Love Filipino. A website for students and learners who wanted to speak and understand Filipino or commonly known as Tagalog for some.

Full width home advertisement

Post Page Advertisement [Top]

Ang pagsulat ng textong descriptiv ay maihahalintulad sa pagpipinta. Ang mambabasa ay tila direktang nakasaksi sa mga pangyayaring inilalahad sa pamamagitan ng masining na paglalarawang ginagamit ng manunulat.

Deskriptiv ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga
impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at
maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao, kalimitang
tumutugon ito sa tanong na Ano.

Ang tekstong deskriptiv ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangiang taglay ng isang tao, bagay, lugar, at pangyayari.

Halimbawa:

1. Paglalarawan ng tao
a. Masisipag at matitiyaga sa gawain ang mga Asyano.
b. Marami sa mga Asyano, tulad ng Hapones at Koreano ay eksperto sa teknolohiya.
c. Di pahuhuli sa kahusayan ang mga Pilipino pagdating sa teknolohiya.

2. Paglalarawan ng Lugar
a. Dahil sa pinakamaunlad na bansa ang Hapon, itinuturing itong “higante” sa Asya.
b. May mga bansa sa Asya na kahit na mayaman sa mga likas na yaman ay di – gaanong
maunlad kung ihahambing sa mga karatig – bansa na may kakaunting likas na yaman.
c. papaunlad ang mga bansa sa Asya na ang ikinabubuhay ay agrikultura at industriya.

3. Paglalarawan ng Bagay
a. Matataba ang mga produktong maaani sa maraming lupain sa mga bansang Asyano.
b. Mataas ang kalidad ng mga panindang iniluluwas ng mga bansang Asyano sa ilang
karatig-bansa sa Asya.
c. Pawang produktong teknolohikal ang produksyon ng bansang Korea at Hapon.

4. Paglalarawan ng Pangyayari

a. Umunlad ang industriya sa Asya dahil sa pagtuklas at pagpapaunlad ng Agham at
teknolohiya.
b. Sa paggamit ng makabagong teknolohiya, sadyang gumaan ang mga gawain at higit na
dumami ang produksyon.
c. Ang tagumpay naman sa ekonomiya ng Taiwan, Singapore at timog Korea ay
nagbigay - sigla sa iba pang bansang Asyano upang magsikap na matamo ang ganitong
tagumpay sa harap ng papalakas na paligsahan ng buong daigdig.

9 (na) komento:

  1. Ano po ang iba't ibang anyo po ng deskriptiv na teksto?

    TumugonBurahin
  2. Ano po ang uri o paraan ng tekstong deskriptibo?

    TumugonBurahin
  3. Ano po ba ang uri o paraan ng tekstong deskriptibo?

    TumugonBurahin
  4. Anigma at deposiv po :)

    TumugonBurahin
  5. Paano po maglarawan ng nararamdaman in a creative way?

    TumugonBurahin
  6. Paano simulan ang tekstong descriptiv.

    TumugonBurahin

Bottom Ad [Post Page]