1) Payak – binubuo ng salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit, at walang katambal na ibang salita.
Halimbawa:
Anim, dilim, presyo, langis, tubig
2) Maylapi – binunuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi. May limang paraan ng paglalapi ng salita:
a. Inuunlapian – ang panlapi ay nakakabit sa unahan ng salitang-ugat
Halimbawa:
Kasabay- paglikha, marami
b. Ginigitalipian – ang panlapi ay nakasingit sa gitna ng salita
Halimbawa:
Sinasabi, sumahod, tumugon
c. Hulapi – ang panlapi ay nasa huulihan ng salita
Halimbawa:
Unahin, sabihin, linisan
d. Kabilaan – ang panlapi nasa unahan at hulihan ng salita
Halimbawa:
Pag-isipan, pag-usapan, kalipunan
e. Laguhan – ang panlapi ay nasa unahan, hulihan, at sa loob ng salita
Halimbawa:
Pagsumikapan, ipagsumigawan, magdinuguan
3) Inuulit – ang kabuuan o isa higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit.
May dalawang uri ng pag-uulit:
a. Pag-uulit na Ganap – inuulit ang buong salitang-ugat
Halimbawa:
Araw-araw, sabi-sabi, sama-sama
b. Pag-uulit na Parsyal – isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit
Halimbawa:
Aangat, tatakbo, aalis-alis, bali-baligtad
4) Tambalan – binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isa lamang salita.
May dalawang uri ng Pagtatambal:
a. Malatambalan o Tambalang Parsyal – nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal. Ginagamitan ito ng gitling sa pagitan
Halimbawa:
Bahay-kalakal, habing-Ilok, balik-bayan
b. Tambalang Ganap – nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa sa kahulugang iba kysa sa kahulugan ng dalawang salitang pinagsama
Halimbawa:
Hampaslupa, kapitbahay, bahaghari
Thx
TumugonBurahinThanks Alot you helped me so much!!!
TumugonBurahinThank you very much!
TumugonBurahinHello
BurahinMaraming salamat.
TumugonBurahinBig help sa homework ng anak ko.
thank you so much. talagang nakatulong siya sa pag aaral ko.
TumugonBurahinLove u thnks
TumugonBurahinpangit
TumugonBurahinOkay lang yan
BurahinSalamat!!
BurahinReally?
Burahinsalamat
TumugonBurahinAwesome
TumugonBurahinthanks!
TumugonBurahinTalagang nakakatulong! pagbutihan!
TumugonBurahin