Learn and Love Filipino. A website for students and learners who wanted to speak and understand Filipino or commonly known as Tagalog for some.

Full width home advertisement

Post Page Advertisement [Top]

1)      Payak – mga pangngalang binubuo ng salitang-ulat lamang. Wala itong kasamang panlapi o katambal na salita, at hindi rin inuulit ang kabuuan o bahagi nito. Ang pangngalang payak ay binubuo ng salitang morpema lamang.
Halimbawa:
Proyekto, produkto, bansa, probinsya, byahe
2)      Maylapi – mga pangngalang binubuo ng salitang-ugat at panlaping makangalan
Halimbawa:
Pamahalaan, magsasaka, mangingisda, pagkain

3)      Inuulit – mga pangngalang ang kabuuan o bahagi ay inuulit
May dalawang uri ng pag-uulit.
a.       Pag-uulit na di-ganap o pag-uulit na parsyal – bahagi lamang ng salitang-ugat ang inuulit
Halimbawa:
Sali-salita,bala-bala
b.      Pag-uulit  na ganap – pag-uulit n buong pangngalan
Halimbawa:
Bayan-bayan, buhay-buhay

4)      Tambalan – binubuoo ng dalawang magkaibang salitang pinag-isa
May dalawang uri ng tambalang pangngalan.
a.       Malatambalan o tambalang di-ganap – nananatili ang kahulugan ng mga salitang pinagtatambal
Halimbawa:
Taumbayan, alay-kapwa

b.      Tambalang ganap –nawawala ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal at nakabubuo ng bagong kahulugan
Halimbawa:
Kapitbahay, bahaghari

3 komento:

  1. Nakakalito na talaga. May bago na namang kayarian ng mga pangngalan... Tahas, basal, lansakan, hango at patalinhaga

    TumugonBurahin
  2. rock n' roll \m/

    TumugonBurahin

Bottom Ad [Post Page]