Filipino Tagalog

Learn and Love Filipino. A website for students and learners who wanted to speak and understand Filipino or commonly known as Tagalog for some.

Panghalip Pamatlig: Uri at Kaukulan

by Baloydi Lloydi , at 11:24 PM , has 2 comments



Ang panghalip pamatlig ay mga panghalip na inihahalili o ipinapalit sa pangngalang itinuturo o inihihimaton.



Mga Uri at kaukulan ng Panghalip Pamatlig

·         Pronominal – pamalit at nagtuturo sa ngalan ng tao o bagay

Tatlong Pangkat ng Pronominal:

Anyong ang (Paturol)
Ito, iyan, iyon

Anyong ng (Paari)
Nito, niyan, noon

Anyong sa (Paukol)
Dito, diyan, doon

1.       Panawag-Pansin – ginagamit sa pahihimaton o pagtuturo sa kinalalagyan ng pangngalan na maaaring malapit sa nagsasalita, sa kinakausap, o sa pinag-uusapan
Halimabawa:

(h)eto, (h)ayan, (h)ayun

2.       Patulad – pinaikling anyo ng gaya na nagpapahayag ng pagkakatulad ng  tinutukoy ng nagsasalita
Halimabawa:
Ganito (gaya nito - ganito)
Ganyan (gaya niyan - ganyan)
Ganoon/ gayon (gaya noon - ganoon) / (gaya niyon - gayon)


3.       Panlunan – pinaikling anyo ng nasa ay ng anyong ang ng pamatlig
Halimbawa:
Narito/nandito
Nariyan/ nandiyan
                Naroon/nandoon
Baloydi Lloydi
About
Panghalip Pamatlig: Uri at Kaukulan - written by Baloydi Lloydi Google+, published at 11:24 PM, categorized as pamatlig , Panghalip , uri . And has 2 comments
2 comments Add a comment
Bck
Cancel Reply
Copyright ©2013 Filipino Tagalog by