Guryon
Pangkat I
Tanngapin mo anak, itong munting guryon
Na yari sa patpat at papel de Hapon
Magandang laruang pula, asul
Na may pangalan mong gitna naroon
Ang hiling kon lamang bago paliparin
Ang guryon mong ito ay pakatimbangin,
Ang solo’t panlo’y sukating ugaling
Nang hindi magi kit o kaya’y magkaling
Pangkat II
Sa ka pag humihip ang hangin, ilalalbas
At sa papawiri’y bayaan ng lumipad
Datapwat ang pisi’y tibayan mo anak
At baka lagutin ng hanging malakas
Ibigin ma’t hindi, baling-araw ikaw
Ay mapapabuyong makipagdagitan,
Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwagi’y ang pusong marangal
Pangkat III
At kung ang guryon mo’y sakaling madaig
Matangay ng iba o kaya’y mabatid
Kung saka-sakaling din a mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit
Ang buhay ng guryon, marupok, malikot
Dagilit dumagit saan man sumuot…
O, paliparin mo’t ibalik sa Diyos
Bago patutuyang sa lupa’y sumubsob
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento