Filipino Tagalog

Learn and Love Filipino. A website for students and learners who wanted to speak and understand Filipino or commonly known as Tagalog for some.

Ano ang Bugtong at mga Halimbawa nito

by Baloydi Lloydi , at 1:20 AM , has 0 comments
a. Bugtong – isang pangungusap o tanong na kadalasang nilalaro ng mga batang pinoy, at ng mga nakakatanda. Ito ay may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.  

Ang bugtong ay gumagamit ng talinghaga, o mga metapora sa pagsasalarawan isang partikular na bagay o mga bagay na hulaan. Madalas itong nangangailangan ng katalinuhan at maingat ng pagninilay-nilay para mahulaan ang palaisipan o tanong.

Halimbawa:

1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: kandila

2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.
Sagot: langka

3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: ampalaya
4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot: ilaw

5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: anino

6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: banig
7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: siper

8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
Sagot: gamu-gamo

9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
Sagot: gumamela

10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos

11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: kulambo

12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
Sagot: kuliglig

13. Baka ko sa palupandan, unga'y nakakarating kahit saan.
Sagot: kulog

14. May bintana nguni't walang bubungan,
may pinto nguni't walang hagdanan.
Sagot: kumpisalan
15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: palaka

16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot: kasoy

17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: paruparo
18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: mga mata

19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: tenga

20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: baril
21. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.
Sagot: bayong o basket

22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
Sagot: batya

23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: kamiseta
24. Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad.
Sagot: saraggola

25. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Sagot: ballpen o Pluma

26. Nagbibigay na, sinasakal pa.
Sagot: bote

27. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: sandok

28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Sagot: kampana o batingaw

29. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.
Sagot: bayabas

30. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa.
Sagot: balimbing

31. Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: posporo
Baloydi Lloydi
About
Ano ang Bugtong at mga Halimbawa nito - written by Baloydi Lloydi Google+, published at 1:20 AM, categorized as Bugtongan , halimbawa . And has 0 comments
0 comments Add a comment
Bck
Cancel Reply

Mga Related Na Filipino Source

Copyright ©2013 Filipino Tagalog by